Glee Consumers Club

buy and earn

Blog

Inspirasyon ng Integrasyon

Posted by [email protected] on February 14, 2016 at 12:35 AM


 

Mahigit isang decada ang pinagkunan ng hamon at inspirasyon upang itatag ang Glee Consumers Club. Mga panahon na pinangarap makalaya sa pagpapaka alipin sa kahirapan at pangarap na makahanap ng mas mabilis na paraan sa pag unlad. Mahabang panahon na nagtiyagang magnegosyo sa malayang kalakaran ng pag aanyaya at paghimok na sumali ang mga kaibigan at kakilala sa mga piniling pagkakakitaan.

 

Sa kabila ng maraming taon ng pagsubok at mga pagkabigo, ang mga pangunahing myembro ng Glee Consumers Club ay hindi nagpatinag bagkus natuto sa itinuturo ng buhay upang bumuo ng mas matatag na kilusan o lupon ng mga mamimili at kumita sa pagbili ng mahalagang pang araw araw na kalakal, gamit sa tahanan at paninda. Kahit na hindi panatilihan ang daloy ng maayos na pananalapi sa nakararaming Filipino, ang katotohan ng pagbili ng mga pang araw araw na gamit sa bahay ay hindi pwedeng ipagsawalang-bahala na lang.

 

Isang kilusan ng mamimili ang babago ng daloy ng pananalapi ng isang payak na tahanang Filipino. Sa pamamagitan ng pangitain ng Glee Consumers Club, ang pinagsama–samang pagpupunyagi at layunin na iangat ang antas ng kabuhayan ng bawat isa ay magiging kaganapan. Ang kagastusan ay magiging isang malaking kapakinabangan at ang pagbili ay paraan ng pagkakakitan para sa mga kasapi at lalahok sa Glee Consumers Club.

 

Categories: None

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

Already a member? Sign In

0 Comments